Actually, para ito sa mga babaeng akala nila matanda na para mag-asawa kaya nagmamadali ng magpakasal. Seize the present time na young, wild and free pa kayo. From my experience, ang dami kong nararanasang doubts, questioning myself, my decisions. Kasi kapag kasal ka na, at nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan, hindi na gaya ng dati na masasabi mo pa sa sarili mo na "siguro, hindi siya para sa akin.. pakakawalan ko na lang.. makakahanap pa ako ng iba" .. Kapag kasal ka na, kasalanan maghanap ng kalinga sa iba, maghanap ng pupuno ng pagkukulang ng partner mo kasi they say na kayo ng asawa mo ang dapat nagpupuno sa kakulangan ng bawat isa. Pero paano kung ubos ka na? Wala ka ng maibigay kasi binigay mo na lahat pero ikaw hindi naman pinupuno ng kakulangan niya. Simple lang naman ang mga hiling mo - oras, atensyon at kalinga. Pero dahil sa tagal ng panahon, akala niya okay lang, na kesyo sasabihin niya, "asawa ko na siya". Girls, wag ganun. Huwag nating hayaang tine-take for granted na tayo. We deserve love, respect and kung ano yung pinakita nila sa atin dati kaya natin sila minahal ay masabi pa din natin na iyon at iyon pa din ang dahilan kung bakit natin sila minamahal. Siyempre, ganoon din tayo sa kanila. Huwag lang lalabis. Nakakasawa nang bigay nang bigay. Pasuyo naman tayo. Marupok tayo pero may hangganan tayo. Mababali din tayo kung sobra na. Ipaalam natin sa mga asawa natin, na gusto din natin ng lambing, ulit ng lambing. Ang lungkot kasi kung parang boring na. Ang lungkot kasi na kapag nagaaway kayo, okay na lang, na hindi na sila nag-eeffort na humingi ng sincere na sorry, na bumawi. Para kasing wala na tayong importansya nun. Yung parang lilipas na lang panahon, kahit anong mangyari, mag-asawa pa din kayo. Kaya wala na, wala na iyong takot sa kanila, na mawawala pa ang babaeng gusto at mahal nila. Kasi nakatali na.
Pero cheer up pa din sa atin, ladies! It is time to value ourselves as women. Let us stand and tell our partners na kaya natin kahit na wala sila, that way we will not depend on them, that way makikita nila kung gaano tayo ka strong and independent. That way, they will see our worth not as their wife anymore, but the woman a deserving man could ask for.
No comments:
Post a Comment